YES, basta tama lang yong house price, enough ang iyong available credit limit at merong Credit to Cash plans ang credit card mo.
Kapag ang bibilhin mong bahay ay new construction na nasa subdivision at ibenebenta ng developer, kalimitan kayang-kaya mo na yong down payment. Kung medyo mataas yong down payment, yong developer na mismo ang nag-o-offer ng installment plan para mabuo mo yong down payment.
Pero kapag ang gusto mong bilhin na bahay ay matagal nang nagawa at natirhan at ibenebenta na ng homeowner, at pumapayag sila na bilhin mo through bank loan or Pag-ibig loan, kalimitan ang gusto nila ay malaki-laking down payment. Gusto nilang makita na seryoso ka at meron kang kakayahan na ma-process successfully ang bank loan o Pag-ibig loan.
Kung kulang ang Cash mo, puede mong gamitin ang Credit to Cash plans ng credit card mo. Ang interest rate nila ay mababa lang, compared sa ibang quick loans. Kalimitan ang add-on interest nila ay 0.39% up to 0.69%. Kung ang add-on interest ay 1%, pause muna. Sa akin, kunin ko lang ang interest rate na ito kung bargain deal yong binibili kong house, at ibebenta na sa iba kung hindi pa ako mag-down.
Anong banks ang merong CREDIT TO CASH plans?
BPI -- Credit to Cash
Metrobank -- Cash2Go
BDO -- Cash Installment
RCBC -- InstantCash
Ang maganda sa mga ganitong plans ay makukuha mo agad, within 1 day to 7 days.
At depende sa credit limit mo at standing mo, puede kang makahiram ng hundred thousands to millions.
Ang pinakamataas kong nahiram through BPI Credit to Cash ay 600,000 pesos, tamang-tama sa pang-down payment sa isang house na ibenebenta malapit lang sa amin. Yong the rest ay kumuha kami ng regular na home loan sa BPI.
Siempre, marami pa ring expenses na kelangan din na meron ka para sa:
Capital Gains Tax at Documentary Stamp Tax (BIR)
Transfer Tax (City Hall)
Registration Fees (Register of Deeds)
Bank loan fees (Bank)
Repair expenses (Repaint, Fixing of ceilings or roof leaks, Replacement of the toilet, etc).
The RENT WILL PAY THE MONTHLY AMORTIZATION to the BANK.
Kapag maganda ang presyo ng bahay at maraming naghahanap ng paupahan sa lugar, puedeng yong upa, yon na ang pambayad sa bank loan, at minsan, pati na rin yong pambayad sa Credit to Cash loan.